heto ay part 2 ng gala sa glorietta.
ganito nga nag nagyari sa gala. maaga ako nakpag-ayos. 12 30 ayos na ako. pero late si jamie dumating, kaya na late na rin ako ng alis dito sa bahay. nang makarating kami sa 7 11, grabe, 1 na, at nang makarating kami kina allan, 1 15 na. binati kami ng isang may katandaang babae (baka katulong nila..) sabi umalis na raw sila, nagpunta ng gate ng camella at doon kami inaantay. mabait ung babae, palangiti. buti pa siya. kasi pagdating namin sa gate, dinatnan naming wala sila allan. tinawagan ni jamie at hayun na nga, dumating sila sa gate. minura pa niya kami. kais nga nagalit sa kanya daddy niya. eerrr.. sumakay na kmai ng knailang van, ta nagsimula nag pinakamahabnag isang oras at kalahati ng buhay ko.
sa van, nagkakaroon na ng maliit na ingay sa likod.. sabay nagsulat si allan sa tissue na may pasabi, "huwag kayong maingay, mainit na ulo ni dad, pagbaba na lang tayo magusap". hayun ang opisyal na simula na pinkamahabang isang oras at kalahati ng buhay ko. naguusap man kami sa van ay bulong lamang,pinaka ingay doon ay nag tunog ng didgicam ni ranen tuwing ito't binubuksan. kasabay nito, malungkot kasi tahimik nga ang lahat. as in TAHIMIK. nagkaroon na lang ng ingay ng matapos naming tawirin ang kahabaan ng SLEX. nagsimula ng kumanta si johanna at si jamie. sa EDSA, iyong parte ng magallanes ata un na malapit sa opisina ni ina, doon na rin nagsimulang magkuwentuhan ang mga nasa harap ng van.. medyo ok na rin ang paligid. dumaan ang van sa isnag calle na nagngangalang paseo de roxas. dun o lang nalaman ung daanan na un papuntang greenbelt.pag pasensyahan niyo na nag manunulat na ito, doon lang kasi ako nakapunta sa daanang yun. doon na rin ako simula magingay, tinuro ka kay johanna ang greenbelt, blha, blah, blah. hayun na nga, at di nagtagal ay bumaba na rin kami ng van. nagpaumanhin kami sa ama ni allan nagpasalamat sa pagpapasakay sa amin at bumaba.
pagbaba, nagpaala si allan, "sa susunod, pag sinabi kong 1 sharp, 1 sharp. buti sana kung ako lang ang nagiintay sa inyo ok lnag, eh hindi eh, kasama ko kais is dad. sa susunod ha. sa susunod." matapos iyon, tumawag ako sa kaing mama at nagsabing ako'y nakarating na. namili na ng damit sa allan, tapos nagsimula kaming mag lamierda. paikot ikot kami sa loob ng buong ayala avenue. mula landmark, nagpunta kaming glorietta, paikot ikot, habang naghahanap ng sapatos is allan, hanggang sa napadpad kami sa greeneblt, paikot ikot uli.. ikot, ikot ikot, at patuloy na sumasakit ang aking paa, naisipan nila na magpunta sa SM, eh napaka layo pa naman noon dahil iyon ay nasa tabi ng glorietta. kailngan mong lakarin ang greenbelt, landmark, glorietta tska pa lang ang sm. hindi ko kabisado ang daan dahil iyon ay daraan sa glorietta at hinding hindi ko talaga ito nakabisado sa buong buhay ko. si allan ang nakapagturo ng daan papunta sa lugar. noong naroroon naman kami, nagikot lang kami. pagod na pagod na talga ako, hanggang sa nagyaya na sila allan na kumain. dahil pare-pareho naming hindi alam ang papunta sa food court, nagtanong ako sa isang guard. tinuro niya. bumaba kami ng food court, pagod na pagod na talga ako noon. nanng kami'y nakaupo na, nagyaya na silang umorder. nakapgdesisyon na kami, at isa pa, libre ni ranen. hehehe. =) tapos, noong patayo na ako, sabi ng magaling na si allan na, "huwag ka ng tumayo, magbantay na lang kayo dito. alam kong pagod ka na" nag pasalamat naman ako at napaka maalalahanin niya. hindi rin niya nakalimutan ang aking mayonnaise na paulit ulit kong pinaalala na gusto ko. tapos tumambay kami doon at nagkuwentuhan. nagyaya silang mag-arcade, arcade na umubos sa baon ni ranen na josefa llanes escoda. 2 oras, at nakapag ipon ng 315 na tiket na ipinalit sa pooh na ibinigay na regalo kay shena. ang saya saya talga. laro sila ng laro ng basketball sa arcade, pinka grabe maglaro si allan, NATAMAAN NIYA AKO NG NAPAKARAMING beses!!!!! brutal!!! sadista siya kung maglaro!!!! may batang magaling maglaro doon... nakalimutan ko na nga ang pangalan niya. basta, pag naging basketbolista ang batang iyon sa balang araw, ako ay sisigaw ng pangalan niya!!!!!!!!
nag punta kami ng cr at nagpunta na ng landmark. patungong landmark, mayroong babae akong nakabunggo, napakataray po niya!!!!! ewan ko ba sa kanya kung ano ang problema niya!
sa landmark, nahuli kami nila johanna. naunahan pa nga namin si allan sa may parte ng binilihan niya ng damit. kaya pala sila nahuli kasi andoon na ang pamilya niya at pinuntahan niya. ibinigay niya sa kanila ang damit, at hinayaang bayaran ng mama niya ang napili niya. umalis na rin kami, matapos ipakilala. tapos, bumili si jamie ng damit. dahil may nagustuhan ako, ito rin ay aking binili. hidni ko lang maatim na maipakita sa kanilang lahat dahil off shoulder iyon a masyadong "revealing", matapos makabili, niyaya ko sila na magpapakita muna ako kay mama, tska kami kakain. bumalik kaming glorietta dahil naroroon si mama. dahil hindi namin parepareho alam ang papuntang g4, nagtanong ulit ako sa guwardiya na mukhang kapareho ng guwardiyang pinagtanungan ko sa SM. itinuro niya kami sa tamang daan. papunta sa aking ina, kinkabahan ako sa mga kadahilanang hindi ko na masabi.
sa italianni's, doon namin nakita si mama kasama si tita ella. pinakain na nila kami doon. nang maka-order na ang lahat, pare-pareho kami na DALANDAN juice ang inorder. masayang nagkukuwentuhan ang lahat. puro tawanan at sadyang napaka ingay namin sa loob ng restawran. nakaalis na kami sa glorietta nang ika 9 ng gabi. kasabay namin sa kotse si allan at si teresa.
may pahabol pa si teresa, nang makakita kami ng magkasintahan, sumigawa si teresa ng, "LOLOKOHIN KA LANG NIYAN!" na sinabayan naming lahat ng takbo.
mukha tuloy kaming mga probinsiyana sabi ni mama. grabe daw kami.
sa pauwi, nagkukuwnetuhan lang, masaya at nagenjoy.
isa lang ang masasabi ko, hayup ang dalandan! nakakalasing. parehong naka 6 si allan at si teresa, may gin ata iyon eh, kasi mukhang nakakahigh! h
gusto king ulitin nag gala!!!! hindi ako kuntento!!! peor nasayahan ako.
sana maulit. sana kahit sa kolehiyo, ganoon pa rin kami. ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment