Wednesday, December 07, 2005

ang puso sa taas ng isip

ngayon na lang muli, sa loob ng mahabang panahon, kong paandarin ang nararamdaman ng puso ko. hindi ng isip ko.

ang dali ko talagang masaktan. sa bagay, kasalanan ko rin naman. nagpadala ako sa dagat ng emosyong inakala kong aalunin ako sa paraiso, kahit na alam ko sa kalahati ng aking isip, aalunin ako nito sa arkipelagong magpapabago ng isip ko.

ang sakit talaga.
bkt tlagang may mga bagay na hirap na hirap akong harapin. natatakot kasi ako. matagal ko na namang nararamdaman. tingnan mo kung nasaan ako ngayon?

umiiyak.
sa loob ng ika.... hindi ko na rin mabilang kung anong panahon.

nakakapagod na.
hindi ko to dapat ginagawa.

sobra na nga sa limitasyon ko sa sarili ang aking narating, lumagpasa na rin ako sa inaasahan kong kaya kong ibigay. lubos na ito sa aking kakayanin pa. at ikamamatay ko na rin, hindi magtatagal.

hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. ngayon, sa loob ng gabing malaming, tumutulo ang luha na sinsabayan din nto ng lamig,ang mga ialw sa christmas tree. hindi sila humiinto sa pag ilaw. sana ganun na lang xa. alam ko namang xa'y tao, pero humihiling ako ng imposible.

sa gabing ako'y nagdadalamahati, iisa nanaman ang ngpapangiti sa akin.
bkit nga ba? bakit sa tuwing nalulungkot ako, lagi na lang xa ang ngpapangiti sa akin. lagi na lang xa ang sumasalo sa kung anu mang kadalamhatian kong nararamdaman. dagi niya ang nagpapaiyak.

bkit nga ba hindi na lang sa knya?

kaibigan q kac xa. kuya.. =)

naiinis na akong tlga.. hnd ko maintindihan. hnd ko xa kayang harapin at hindi ko xa kayang kausapin na gaya ng ninanais niya....

No comments: