Sunday, December 18, 2005

pink na kwintas

kanina lamang, tangan-tangan ko ang pink na kwintas. hinawakan ko, tinitingnan ko ng mabuti. tinititigan ko, napahatak sa aking hawak. at sa loob lamang ng kalahating segundo...

nawala ang mga piraso ng kwintas. nalaglag sila sa sahig.. kitang kita ko kung gaano kabilis nawala ang maliliit na piraso. ganoon kadali at ganoon kabilis.

parang siya.


=P

ang saya mabuhay na lumabas na ako sa katotohanan at hindi na natatago sa kulungan inilagak niya para sa akin. lumabs na ako sa mundo, sa pagpapatunay na ako ay may pagkakasala ngunit ito'y hinding-hindi ko pagsisisihan.

dahil kilala ko na siya.

at kung bago pa niya gawin ang mga bagay, bago pa niya sabihin, alam kong ang mga iyon ay totoong mangyayari.

paalam na sa sinasabi niyang katotohanan.

buhay ako sa aking katotoohan.

paalam pink an kwintas

No comments: