Sunday, January 21, 2007

sa kadahilanang wala akong masulat

ano ginagawa mo kahapon ng 3:00pm?
:/ nasa g-squared,sa macapagal kumakain ng seafood.

ano brand ng suot mong shorts/pants
ngayon?
:/ ung tshirt, ung pinamimigay ng pinagtratrabahuan ni mama, ung short, ewan ko, pero ubod siya ng ikli.

ano wallpaper ng pc mo?
:/ ako at si "j". isa sa mga larawan namin sa capiz noong holiday

ano oras ka nagising today?
:/ 9am

ano gagawin mo sa tuesday pag may free
time ka?
:/ nagyong darating na martes? mag-aaral. mag midterm sa 25.

ano pinapakinggan mo ngayon?
:/ ang katahimikan ng kusina namin kapag walang kumakain.

ano kulay ng suot mo ngayon na shirt?
:/ gray

ano ginawa mo kahapon?
:/ nag-aral ng espanol. kumain sa g-squared. umuwi ng bahay. natulog ng 2 oras. nagsimba. kumain uli. nag-edit ng nasa blog.

anong huling mall na pinuntahan mo?
:/ abah! matagal na ito. kasi noong decemeber, bago ako umalis papuntang capiz ang huli kong punta ng mall. teka. saan nga ba? ay mali! nakapag-mall na pala ako nitong enero. sa waltermart sa makati. nag-starbucks ako. reward sa sarili. hehehe.

anong huling tv show na pinanood mo
kagabi?
:/ sana maulit muli- inulit lang ata un. ang haba haba eh.

anong color ng shirt na suot mo
kahapon?
:/ sa instituto cervantes-puti. sa simbahan..... puti rin!

anong pinaka memorable na ginawa mo
the whole week?
:/ ung team building seminar ng org ko. nakakapagod. at nakakasakit ng kabuuan ng katawan. pero mabuti na alng, hindi na masakit ngayon.

ano huling kinain mo kagabi?
:/ eclair.

ano huling song na kinanta mo?
:/ sana maulit muli. naiimpluwensyahan na ako ng tele-serye na yon. nakakainis. si gerald anderson kasi eh. puknat.

ano una mong nakita pagpunta mo sa
loob ng mall?
:/ security guard na naninilip ng bag ng may bag.

anong pakiramdam mo ngayon?
:/ tinatamad akong mag-aral.

bakit mo yun nararamdaman?
:/ ewan ko ba. wala ako sa mood. ngunit matapos to, mag-aaral na ako.

ano balak mong gawin this summer break?
:/ mag-aaral sa umaga, mag papakasasa sa hapon/gabi. un eh kung matutuloy ang plano ko. at plano niya.

anong mall balak mong puntahan next
week?
:/ ayokong isipin. ayokong makakita ng mall ngayon.

anong place ang gusto mong puntahan sa
ngayon?
:/ bahay ng lola ko sa capiz. magpapakasasa sa paggiging masaya.

ano fave place mo?
:/ kwarto. kwarto ko sa boarding house.

ano fave tv show?
:/ one tree hill. sabi nga ni chesa, post modernismo daw un. mahilig na ang tao sa puro "bitch".

ano landlyn # mo?
:/ hindi mo na kailangang malaman pa.

anong balak mo gawing pag graduate?
:/ magtratrabaho ako. kailangan.

ano sa tingin mo ang tunay na #1, GMA
o ABS?
:/ sabi ng ac neilsen gma, totoo un, pero mas bilib ako sa abs-cbn.

ano color ng tshirt na madalas mong
suot?
:/ puti.


anong oras na?
:/ ala-una ng mainit na tanghali.

anong makikita sa harap ng bahay nyo?
:/ bahay uli.

ano ang madalas nyong pag-usapan ng
barkada?
:/ kung anu-ano. teka. chismis ang tawag sa kung anu-ano na un, in general.

ano gagawin mo pagkatapos nito?
:/ mag-aaral. seryoso na.

ano last movie na napanood mo sa
sinehan?
:/ world trade center ata. o baka naman casino royale. di ko na matandaan.

anong movie balak mong panoodin this
week sa sinehan?
:/ ayoko ng eragon. un lang masasabi ko.

ano fave mong channel?
:/ kung ano ang may magandang palabas.

ano last book na binasa mo?
:/ great political thinkers. pathetic.

ano balak mong bilhin this week?
:/ damit. :)

No comments: