Monday, August 14, 2006

isang alternatibong sigaw ng kalayaan

ibigay na lang daw kasi sa kanya yon...

sa totoo lang,kahit naawa ako sa sitwasyon niya, nila, pero higit sa lahat, niya, ayokong ibigay ang isa niyang hinihingi, kahit na iyon pa ang kahuli-huluing hingin niya sa akin, sa amin, sa kaniyang nakakataas. ayokong maging masaya siya, ayokong magsaya sila. ayokong makikita sila. hindi sa panahon na ganito ang iniisip ko.

hindi naman kasi madali ang ginawa ko, ang ginagawa ko ang gagawin ko pa. mataps ng lahat, ganoon na lang pala basta itatapon. cguro, marahil, baka nga, nagkulang daw ako sa ginawa, sabi noong isa. pero sa totoo lang, wala na akong pakialam, tapos na ako sa lugar na un, sa puntong iyon at sa mamaari pa ni;lang ipunto sa akin. tapos na ang gabing iniiyakan ko ang isang walang kwentang lalaki, isang walang kwentang bagay at isang walang kwentang damdamin. wala namang patutunguhan, iaaral ko na lang lahat ng ito.

pero hindi ibig sabihin noon, isa ako sa maglalaban para sa kanila. Ha! asa! sa ngayon, titiningnan ko muna siyang umiyak, sila na maghirap at sila na magdusa. para alam nila kung anong eksaktong sinasabi nila. wala akong pakialam kung hindi patas. dahil hindi rin naman patas ang ginawa niya. wala akong pakialam kung masakit, masakit din naman ang ginawa niya, wala akong pakialam kung umiiyak sila, siya, gabi gabi, dahil umiyak din naman ako kagabi. ngunit ganito pa man, hindi ko na sila sinisisi. napatunayan naman niya, nila, na gusto nila ang ginagagawa niya. naiintindihan kong masya siya, sila, pag siya at sila ang magkasama, natutuwa ako [pag nakikita ko silang ngumunigiti, sabay.

pero ngayon, hangga't humhingi pa sila ng kalayaan, pagtatwananko muna ang bawat luha, sakit na naramdaman nila. kahit na nasasaktan ako pag naiisip ko na nakakaawa ang lagay niya at nila. naawa ako. hidni ako manhid. pero dahil hindi ako manhid, galit pa rin ako.

kaya sige, sumigaw ka, kayo. isigaw niya ang kalayaan niyo. dito lang ako sa UP, pagtatawan ko muna ang bawat sigaw niyo

No comments: