Thursday, April 05, 2007

Simpleng Hiling

Ako ay lahat ng bagay maliban sa masaya. Lahat ng gusto ko para sa pagka-ikli-ikli kong bakasyon at hindi man lang nasakatupara. Kahit isa.

Gusto kong lumangoy. Ang problema, wala daw silang pera.
Gusto ko ng sleepover. Holy week kasi. Konting respeto naman daw.
Gusto ko ng shopping. Leche, ako naman ang walang pera.
Isang isa na lang, ayoko na eh.

Pero biglang may naisipan akong hingin. Chichiryang Green.
At sa kalagitnaan ng gabi........
"Penge ako Ridges."
(biglang abot ng hindi nakikitang kamay)


Malaking pasasalamat.

No comments: